Isa sa pinakamatinding pagsubok na nararanasan ng bawat OFW ay ang ma­tinding kalungkutan at pangungulila sa pamilya habang nagtatrabaho sa iba­yong dagat.

Masuwerte na tayo nga­yon na mayroon nang nagagamit na maka­bagong teknolohiya katulad ng mga cellphone, tablet, laptop, at computer para makatawag, video chat, o text sa ating mga mahal sa buhay tuwing tinatamaan ng homesickness sa ibang ba­yan.

Hindi kagaya dati na tanging sa snail mail na lamang umaasa ang pamilyang OFW kung saan aabutin ng linggo o buwan bago makarating ang liham at minsan ay paso na ang mga balita. Umaasa rin dati sa mga ‘voice tape’ kung saan pilit ipinagkakasya sa loob ng 60-minutong cassette tape, sagad ang side A at side B, ang lahat ng dapat maikuwento na pangyayari sa buhay habang magkalayo sa isa’t isa.

Minsan na naming naging ‘Question of the day’ ito sa progra­mang RADYO OFW SA RADYO Pilipinas 738 KHz AM:

“Anu-ano ang mga paraan mo para maibsan ang kalungkutan dulot ng pangingibang bayan?”

Narito ang ilan sa mga sagot ng mga minamahal nating mga OFW:

Annie Gatchalian Agni ng Hong Kong: Reading Books, solving crosswords at FB… Watching movie din sa phone.

Necita Lottner ng Germany: Make the most of your free time in your hobby, join church activities, and reading books.

Che Oandasan ng Qatar: Yung makausap po pamilya ko araw araw tapos yung manood lagi s fb kc meron din naman napupulutan ng aral..makinig ng music, manood ng mga teleserye sa bansa natin.

Florentino Viloria Corpuz: Internet, fb etc. ang laking naitutulong sa pakikipag-communication sa pamilya. Tulad namin na dito sa malayo.

Chantal Lou ng Singapore: Installed cctv at home in pinas para araw araw ko silang nakikita.. from Pinas to SG, at photography.

Eladin Armada: Internet.. napakalaking tulong nito.

Julie Aplicador ng Singapore: FB video call, jogging during off day

Johnliza Santillan Ferrer: Pray always sa Lord.

Suzitte Suzitte ng Jeddah: I am in jeddah, Ang aking mga anak ang lakas ko. Sila ang dahilan kung bakit ako napadpad dito para sa kanilang kinabukasan. Kaya kiddos mag aral ng mabuti, andito lagi si mama. I love u both kids, I chat with my kids always through video call to them.

Ramon Sr. Areola: Just concentrate with your work at isiping kaya ka nagabroad ay para sa ikakabuti ng pamilya at ikakaunlad ng buhay. But, never be in a hurry. Patience, courage & perseverance are needed to achieve a successful results of your sacrifices.

Marylin Quebrea Odquier ng KSA: Jeddah po ako. Dalawa lang po ang pinaghuhugutan ko ng lakas. Una si God, nagdarasal ako palagi na ilayo sa anumang sakit o kapahamakan ang lahat ng mahal ko.

Pangalawa ang mga mahal ko sa buhay, sila ang inspirasyon ko, iniisip ko kaya ako nandito dahil gusto kong matupad ang mga pangarap ko para sa kanila at gusto maranasan nila ung mga bagay na hindi ko narasan..chat,video call, games ang ginagawa ko o namin para hindi mahomesick. Pero minsan dinadaan na lang din sa pagka-busy sa work para hindi mahomesick.. Salamat po

Lorie Timajo: Sa akin para hndi ako malungkot makausap at makita ang aking mga anak at asawa.

Mitch Encarnacion: Games sa cp hanggang ma empty battery tapos tulog
Daisy Siete: Be more creative, uniqueness, and have a self dscipline so that u know how to handle/manage yourself. Most of all, we know ourself so we can pass those struggles, trials, homesickness, etc. Be friendly, focus on your goal why you left your country, think all positive things.

Sa kabila ng mga pagsubok dulot ng kalungkutan lagi nating tandaan na hindi tayo nag-iisa. Kung hindi na natin kaya, ipaubaya na lamang natin sa ating boss na nasa langit at huwag kalimutan:

“Do not be afraid. I will save you. I have called you by name—you are mine. When you pass through deep waters, I will be with you; your troubles will not overwhelm you.

When you pass through fire, you will not be burned; the hard trials that come will not hurt you. For I am the Lord, your God. … because you are precious to me and because I love you and give you honor, do not be afraid—I am with you!” Isaiah 43:1-5

***

Makinig sa “Radyo OFW” 8:00-10:00pm tuwing Lunes-Biyernes sa Radyo Pilipinas 738 AM, Facebook live: www.fb.com/RadyoOFW, Email: radyoofw@gmail.com