Pabahay sa 400 katutubo na apektado ng Kaliwa Dam tiniyak ng MWSS

Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na pagkakalooban ng gobyerno ng relokasyon ang mga indigenous people (IP) community na maapektugan ng Kaliwa Dam project.

“Sa pakikipag-ugnayan natin sa lokal na pamahaalan, magpo-provide tayo ng relocation site. Magkakaroon sila ng pabahay,” ayon kay MWSS administrator Emmanuel Salamat.

Nalaman na aabot sa may 400 indibiduwal mula sa 55 barangay maapek­tuhan ng P12.2-bilyon proyektong pinondohan ng China.

“Patuloy pa rin po ang pakikipag-usap natin sa indigenous communities at local government units to address specific needs ng mga community na posibleng maapektuhan ng construction,” ayon kay Salamat.

Nabatid na sa sandaling matapos ang konstruksiyon ng Kaliwa Dam magkakaloob ito ng 600 milyon liters ng tubig kada araw sa Metro Manila.

Aabot umano sa dalawa hanggang tatlong taon ang konstruksiyon ng Dam. (Juliet de Loza-Cudia)