Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya nitong Biyernes sa dalawang housing projects ng gobyerno para sa mga informal settlers sa Davao City.
Benepisyaryo ng pabahay ng gobyerno sa Davao City ang mga informal settlers na inilikas mula sa mga tinaguriang danger zones sa lungsod.
Inaasahang matatapos ang proyekto sa Marso sa susunod na taon.
Ang pabahay ay matatagpuan sa 6.15-ektaryang pag-aari ng city government ng Davao na nasa Barangay Los Amigos.
Ang pabahay ay tinawag na Biyaya ng Pagbabago Housing Project na inorganisa ng National Housing Authority, San Miguel Corp., Pilipinong May Puso Foundation at city government ng Davao.