Pabida ni Gordon ‘di kinagat ni Trillanes

Hindi kinagat ni Senator Antonio Trillanes ang binibida ni Senador Richard Gordon na suportado ng mahigit pa sa mayorya ang inihain nitong ethics complaint laban sa kanya.

Giit ni Trillanes, dadaan pa ito sa mahabang proseso at pagbobotohan sa plenaryo kung kaya’t maaga para sabihin umano ni Gordon na suportado siya ng mayorya.

Kailangan ng 14 na bilang para makuha ang suporta ng mayorya.

“I will not take the word of Sen. Gordon na meron s’yang 14. Mahabang proseso yan, di pa tapos, ipe-present yan sa plenaryo at ultimately pagbobotohan yan.

It’s a long process e dun natin malalaman kung meron siyang 14 o wala,” ayon kay Trillanes.