Festival of Lights sa Makati
Binuksan na kamakailan ang isa sa mga inaabangang Festival of Lights sa Makati.
Ramdam na ang Kapaskuhan sa lungsod sa gitna ng abalang siyudad ng Makati dahil sa nakakakabog na bihis ng Ayala Triangle Gardens.
Sinimulan ang taunang Festival of Lights sa Christmas lights show at laser dance na tila hologram ang effect.
Ipinuwesto nila ang malaking Mickey-shape structure sa gitna ng hardin at panghikayat sa atensyon ng mga paslit ang tunog-Disney.
Ang Festival of Lights ay pinagagana umpisa alas-sais nang gabi hanggang alas-10:00 kung saan kada 30 minuto ay lumiliwanag ito. Nagsimula na ito kamakailan lang at araw-araw na magpapailaw hanggang sa January 8 sa susunod na taon.
Sa pakikipag-partnership ng Ayala sa Disney, puwedeng-puwedeng mapuntahan ang Magic: A Festival of Lights. (AE)
Prism of Lights sa BGC
Kung agaw-atraskyon ngayon ang Festival of lights sa Makati ay hindi naman padadaig ang SM Aura sa Bonifacio Global City.
Dahil kanya-kanyang pakulo ay di rin nagpahuli sa bonggang pailaw at dekorasyon ang Prism of Lights ng BGC.
Nagbukas ito noong nakaraang Linggo at patuloy na magpapaliwanag hanggang sa January 7 next year. Ang Prism of Lights ay makikita sa Upper Ground Floor ng Atrium.
Dahil sa medyo may kakiputan ang viewing area ay li-mitado sa apat na katao ang puwedeng pumasok kada dalawang minuto.
Kung mabibitin man ay puwede namang pumila uli at ‘wantosawa’ dahil wala itong registration fee.
Sulit naman ang pamamasyal dito dahil mararamdaman mo hindi lamang ang liwanag ng night sky kundi maging ang magic at himig ng Pasko. (NU)