Solo sa quarantine: Sharon naawa kay KC

Pabor sa lockdown: Sharon naaawa sa mga anak

NI: VINIA VIVAR

Kung si Sharon Cuneta ang tatanungin, wala raw problema sa kanya kung lockdown siya sa bahay because of enhanced community quarantine dahil bata pa raw siya ay homebody na siya.

“I’m used to being alone, being at home, I’m really a homebody, I love it, hindi ako lumalabas talaga,” sey ni Shawie sa kanyang recent live IG.

Pero naaawa raw siya sa kanyang mga anak especially ang Tres Marias niya na sina KC Concepcion, Frankie and Miel Pangilinan dahil sanay raw ang mga ito na nasa labas. At sa bunso niyang si Miguel na hindi raw makapaglaro ng soccer at makapag-bike.

“My girls can’t go out, the teenagers, can’t go to the mall, can’t watch movies outside, but they’re very happy at home, they always tell me, ‘mom, we’re okay,’ and we’re all family, we’re altogether.”

Ang talagang nami-miss niya ay ang panganay na anak na si KC. Nag-aaala raw siya parati dahil nag-iisa ito sa condo nito at aso lang ang kasama.

“Ang nami-miss ko at inaaalala ko lagi ay si KC because she’s all alone. She’s used to living alone, eh. Her yaya and her driver are all in quarantine, so she’s really all alone. Buti na lang, magaling ang security sa lugar niya at malapit lang siya rito,” sey ni Sharon.

Kaya ang nagagawa lang daw niya ngayon sa anak ay padalhan ito ng pagkain. Nagte-text-an naman daw sila pero siyempre, iba pa rin ‘yung nakikita niya ito.

“Sabi ko nga, ‘sana pala, pinapunta na kita rito agad kahit nun’g wala pang quarantine.’ She’s taking good care of her two dogs, ‘yun ang company niya. Siyempre, hindi naman pwedeng magpabisita. Naku, ‘yun pa naman ang mahilig lumabas, saka ‘tong dalawang ‘to (Frankie and Miel), ‘yung tatlong Maria ko,” she said.

Thankful din si Megastar na bago nagkaroon ng ECQ ay nakauwi na ng Pinas si Frankie from the US. Dapat daw ay March 18 pa ang dating nito pero napauwi raw niya ito ng mga March 12 or 13.

“So, naiuwi namin siya, ‘yun pala magku-quarantine at kung hindi, namatay na ako dahil I never imagined that something like this would happen,” kwento pa niya.

Pero pagkatapos na pagkatapos daw ng ECQ ay baka ilipad daw niya ang kanyang mga anak.

In-address din ni Shawie ang tungkol sa pagtulong na as we all know ay laging kinukuwestiyon sa kanya, at ayon sa aktres ay tumutulong sila nang hindi na kailangan pang ipaalam sa publiko.

Kaya saludo rin daw siya sa iba pang artistang tumutulong sa ating mga kababayan ngayon because of COVID-19 pandemic tulad nina Angel Locsin at siyempre ang anak niyang si KC na ang dami na ring na-donate.

“Gusto ko ring malaman ng mga tao na ang mga artistang tulad nina Angel at siyempre ang aking anak na si KC, ay hindi lang basta humihingi ng tulong kungdi gumagalaw talaga. Eh, ang tingin nila sa amin, pampa-cute lang kami,” sey pa ni Sharon.