Pachulia one year pa sa Golden State

OAKLAND, California –— Umayon na si center Zaza Pachulia sa US$3.5 million, one-year contract para manatili sa NBA champion Golden State Warriors, ayon kahapon (Manila time) sa kanyang agent, Mark Bartelstein.

Golden State’s starter sa three-center rotation last season, nag-ave­rage ang 33-year-old na si Pachulia ng 5.1 points at 3.8 rebounds sa 14.1 minutes sa postseason, at apat na beses na nakaiskor ng double digits.

Lumaro si Pachulia para sa $2.9M last season, at pumayag na babaan ang kanyang suweldo para patuloy maging parte ng team na makatudla ulit ng championship — makaraang masakote ang una niyang ring tapos ng 14 NBA seasons.

Binu-boo lang dati ng home crowd sa Oracle Arena dahil sa natagpuan niyang bagong team, naging komportable si Pachulia pagkaraan sa Warriors at naitaas na niya ang kanyang laro rito.

Isang native ng Republic of Georgia, humanay si Pachulia sa iba pang familiar faces na mga nagkomit na para sa team.

Pinakasikat sina two-time MVP Stephen Curry na nakatakdang mabiyayaan ng record $201M, five-year contract, at Finals MVP Kevin Durant sa approximately $53M sa two years.

Sariwa pa sa first career championship, inaasaahang bababa ang gana ni KD sa second year sa kanyang contract para makalagda tapos ng max contract next summer.