Pacman sumawsaw sa AshMatt wedding

Sa isang video, sinabi ni Manny Pacquiao na hindi rin um-attend sa kasal nila ni Jinky ang kanyang Mommy Dionisia.

Paliwanag pa niya, hindi raw boto noon ang ina na mapangasawa niya si Jinky.

“Noong nagpakasal kami ni Jinkee wala ‘yung mama ko. Ang kasama ko lang is…‘yung kapatid ko na babae kasi ayaw ng mama ko, ayaw ng magulang ko,” aniya.

“And then, nagpakasal kami, namanhikan ako, ako lang mag-isa. ‘Yung kapatid ko na babae sinama ko lang kasi ayaw nga ng mama ko,” dagdag niya.

Hirit pa niya, bago raw si Jinkee, engaged daw siya noon sa isang babaeng bet ng nanay niya.

“Engaged kasi ako before Jinkee. ‘Yung ka-engaged ko, ‘yun ang gusto ng mama ko,” kuwento niya.

Nagbigay din ng payo ang Pambansang Kamao kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kaugnay ng pinagdadaanan nilang gusot kay Mommy Divine.

“Isa lang ang masasabi ko sa kanila –kahit ganun pa man iyong mga magulang o mga biyenan ninyo ay mahalin ninyo,” ani Manny.

“Huwag kayong magtanim ng galit kasi ang mga magulang ay dapat minamahal at iniintindi.Kung mag-aaway kayo at magiging magulo iyong pamilya ninyo, ang lalabas na tama eh iyong magulang ninyo. So ipakita ninyo na karapat-dapat kayong dalawa at masaya kayong dalawa hanggang sa magkaroon kayo ng anak,” pagtatapos niya.
(Archie Liao)