Pacman, super-bango na naman sa mga Pinoy

manny-pacquiao

NATAPOS na ni Bb. Joyce Bernal ang pelikulang Pak Ganern! Go! nina Vice Ganda at ­Coco Martin.

Habang naghihintay pa sila sa announcement ng filmfest committee kung pasok ba sila sa top 8 for Metro Manila Film Festival 2016, sa telebisyon muna ang atensyon ng direktora.

Nag-taping­ kama­kailan ng ­Magpakailanman si Bb. Joyce at interesting to note na ang mga bida niya ay sina Snooky Serna at Gabby Concepcion.

Noong 80’s at 90’s, maraming Regal movies na pinagtambalan sina Snooky at Gabby.

***

Kahit walang regular show sa kanila si Sen. Manny Pacquiao, sobrang proud ang GMA 7 sa tagumpay ng Pambansang Kamao sa boxing fight kay Jessie Vargas sa Las Vegas, Nevada.

manny-pacquiao“Ipinagbubunyi namin ang iyong tagum­pay, Kapuso! Mabuhay ang Pambansang Kamao! Senator Manny Pacquiao, the new WBO Welterweight Champion!” ang kaagad na pinalabas na layout ng Kapuso network.

Nakakalungkot na si Nonito Donaire na mas identified sa ABS-CBN ay hindi pinalad na manalo sa undercard boxing fight against Jessie Magdaleno.

Siyempre, maba­ngong-mabango na naman si Pacquiao sa karamihan ng mga ­Pinoy lalo na at nanalo siya against Vargas.

Napakarami na namang nag-post sa ­social media kung gaano ­sila ka-proud sa ating ­Pambansang Kamao.

Noong una ay mara­ming nagkokomento na dapat ay hindi na luma­ban uli si Pacquiao at asikasuhin na lang ang pagiging senador.

***

Noong Sabado ay kumalat ang tsikang, “Mark Anthony Fernandez had attempted to slash his wrist & pointed a pair of scissors at other inmates at the district jail in Angeles City.”

May tsika pang ang gunting ay sa barbero na naggugupit kay Mark.

Sabi ng isang malapit kay Mark, ipinadala niya kay Melissa Fernandez (misis ni Mark) ang ‘balitang’ ‘yon na kuma­lat sa social media.

“Kaka-sad lang kung totoo, pero sana hindi naman!” sabi ng taong ­kausap namin.