Masigasig pa rin si Senador Manny Pacquiao na makalulusot sa Senado ang itinutulak nitong death penalty bill.
Ibinida pa ng senador na may numero sila sa Senado upang maipasa ang panukala.
Ito’y bilang pagkontra na rin sa naunang deklarasyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na patay na ang naturang panukala sa Senado.
Paliwanag ni Pacquiao, nakatuon sa krimeng may kinalaman sa droga partikular sa mga drug lords ang pangunahing saklaw ng parusang kamatayan kung kaya’t naniniwala siyang maraming susuporta rito.
Kailangan lamang umanong maipaliwanag ito nang husto.
“May numero naman kami. Maipaliwanag lang nang husto,” ayon kay Pacquiao kasabay ng pagsasabing, “doon man lang sa mga drug lords. Kumbaga hindi ‘yung mga user.
Drug lord lang dahil wala namang mahirap na drug lord o manufacturer ng illegal drugs.”
Muling iginiit ng senador na makakatulong sa pagbaba ng krimen tulad ng rape ang pagpataw ng parusang kamatayan.
Isa si Pacquiao sa nagtutulak ng panukalang pagpataw ng parusang kamatayan.
Una na ring sinabi ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero na isa sa mga tutol sa panukala na may tsansang makalusot sa Senado ang death penalty bill.
KAPAG nahuli kaya ng pulis ang anak mo paqyu,na gumagamit ng droga,mahuhusgahan kaya cya ng death penalty……
BOBO TALAGA ITONG SI FUCKYAW..DRUG LORD LANG DAW..EH KARAMIHAN NG KRIMEN GAWA NG USERS…TANGA NA UGOK PA..MANA SA GUNGONG NA PRESIDENTE
TAKOT ANG IBANG SENADOR KASI BAKA MASAMPOLAN SILA SA MGA GINAGAWA NILANG KALOKOHAN…..HAHAHAHA