Tuluyan nang nilisan ni Pambansang Kamao at Sen. Manny Pacquiao ang United Nationalist Allianc­e (UNA) ni da­ting Vice President Jejomar Binay at bumalik sa dating partidong PDP-Laban.

Kasama si Pacquiao sa mga bagong miyembro ng PDP-Laban na nanumpa sa harap ni Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel III at incoming House Speaker Pantaleon Alvarez sa pagtitipon ng partido sa isang hotel sa Makati kahapon.

“PDP-Laban naman talaga ako originally,” ani Pacquiao na kasama sa mga dumating sa nasabing pagtitipon ng mga bagong miyembro ng PDP Laban.

Noong si Binay ang namumuno pa sa PDP-Laban ay miyembro na nito si Pacquiao subalit nang itatag ng dating Bise Presidente ang UNA bago nagsimula ang 2010 election ay sumamang kumalas ang senador.

Kasabay nito, muling itinanggi ni Pacquiao na nakapag-usap na sila ng kanyang promoter na si Bob Arum ng Top Rank promotions kaugnay ng kanyang magiging susunod na laban.

Gayunpaman, tila hin­di isinasara ni Pacquiao ang kanyang pintuan na muli itong luma­ban bagama’t tiniyak nito na hindi umano makakaapek­to ito sa kanyang trabaho sa Senado kung sakali dahil kaya naman umano niyang isabay dito ang kanyang training.

“Puwede naman akong magte-training na after ng session eh,” ani Pacquiao sakaling magkaroon ito ng laban muli. Ang session ng Senado ay nagsisimula alas-kuwarto ng hapon at natatapos na ito ng gabi.

Puwede diumanong simulan ni Pacquiao ang training sa umaga bago ito pumasok sa trabaho sa Senado.

“Puwede akong mag-jogging ako ng umaga alas-singko o kaya alas-sais. Wala pa naman siguro opisina (ng) alas-singko. Wala namang problema… as long na hindi maapektuhan ‘yung trbaho ko, walang problema. Sinasabi ko nga sa inyo ‘yan (trabaho sa Senado) ang priority ko ngayon,” ani Pacquiao.

Si Pacquiao ang nagtala ng pangit na record sa attendance sa Kamara bilang kinatawan ng Sarangani, partikular na sa third regu­lar session ng 16th Congress kung saan sa mahi­git 50 session days ay isang beses lang itong pumasok.

5 Responses

  1. Ito na ang taong pinaka-narcissistic na nakita ko, napaka gahaman sa kasikatan at sa salapi. Part time lang nito ang senado! Sisihin ang mga bobong bumoto dyan sa kumag na yan!

  2. Ano ba yan senador.. wala ka pa ring kongkretong desisyon hanggang ngayon…. pano ka makakagawa ng batas nyan..ikaw talaga si Lu-Li..Lulubog-Lilitaw..

    1. ang gumagawa ng mag batas ay mga tauhan lng ng mga senador o kaya kumukuha sila ng taong gagawa ng batas bale pangalan lng g senador ang nilalagay para sila ang gumawa pero ang totoo pinagawa lng nila yan si miriam lng ang senadora ang talagang tunay na gumagawa ng panukalang batas pero ang ibang senador dyan mga tauhan lng nila ang gagawa niyan. kaya kahit gustuhin uli ni manny na lumaban sa boxing hindi makakaapekto ang pag gawa ng panukalang batas dahil sigurado naman na may tauhan siyang gagawa niya at si manny na lang ang mag prepreside niyan sa plenaryo. ganyan lang ka simple yan. kaya wag kayong masyadong bitter