Pacquiao bidang-bida sa Korean variety show

Napag-alaman din namin na ini-appoint si Sen. Manny ng Seoul Metropolitan Government last Tuesday bilang Seoul Global Ambassador for enhancing the relationship and exchanges­ between South Korea and Philippines.

Nakatakdang maki­pagkita ang senador sa Mayor ng Seoul na si Park Won-soon at magkakaroon din ng formal appointment ceremony. Sa December 30 naman ay ipalalabas ang guesting ni Manny sa Korean variety show na Infinite Challenge ng MBC.

At ang makakasama ni Manny sa episode ay si Ryan Bang na nagsilbing interpreter.

Alden masaya sa ‘freedom’ ni Maine

Nagkaroon ng pa-Christmas lunch at get-together with entertainment press ang Pambansang Bae na si Alden Richards. Nakakatuwa dahil sa sandaling nakausap namin si Alden, nasabi niya na at nakita namin sa mukha niya na na-miss niya ang press.

“Ang dami rin na ang tagal ko nang hindi nakita,” sabi niya.

Dahil busy nga, madalang naman talaga na nakakausap niya ang press. Kung may chance man, madalas ay mabilisan din.

Sinigurado ni Alden na masaya lang at hindi muna trabaho ang Christmas lunch na ‘yon. Kaya nagkuwento na lang ito kung paano ang na­ging 2017 niya at mga gagawin niya sa 2018.

Kagagaling lang ni Alden sa Japan kasama ang pamilya. First out-of-the-country nila ito at sobrang memorable raw para sa kanila, lalo na sa lolo at lola niya.

Ayon pa kay Alden, “Achievement unlocked po talaga.”

Plano ni Alden na yearly ay madala niya sa iba-ibang bansa ang pamilya kaya wish niya na maging healthy lang ang lolo at lola niya.

Masaya raw ang 2017 niya at kuntento­ naman daw siya at wala nang masyadong hinahangad pa.

“2017 ang dami naman pong dumating na blessing. Then sa 2018 po, may mga endorsements po na nag-renew na rin po, so I’m very thankful po.

“When it comes to project po, everything is still under process. Sa movie po, wala pa po kaming final word, so we’ll just wait for it.”

Ang sigurado, parang naging panata na ni Alden ang pag-attend ng New Year’s countdown ng Kapuso. Kaya kasama pa rin ang actor sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ilan din sa mga unang pagkakaabalahan niya ay ang mga out-of-the-country shows tulad sa Sydney, Australia sa January 22.

Nabanggit din ni Alden na nakausap niya si Maine Mendoza even before pa itong magbakasyon. At masaya siya para rito na finally, nagkaroon ng pagkakataon na makapagbakasyon at maka-bonding ang pa­milya tulad din daw niya.