Pacquiao dapat nang magretiro

Habang pinapalakpakan pa sa boxing ring, makabubuting tapusin na ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang boxing career, payo ni Sen. Panfilo Lacson.

Sinabi ni Lacson na hindi na dapat hintayin ni Pacquiao ang araw na kaunti na lang ang manonood ng kanyang laban.

“I’m happy and proud that a member of the Se­nate has won the WBO belt very convincingly. Out of genuine concern though for Sen. Manny Pacquiao who is both an ally and a newfound friend, I hope, in a manner of speaking that he now considers leaving the stage while his audience is applauding and not when no one’s left to watch,” giit ni Lacson.

Ngunit para kay Sen. Joel Villanueva, hindi pa ito ang tamang panahon para tuluyang magretiro si Pacquiao.

“No ENDO in boxing for Manny Pacquiao as long as his reasons for going up against his opponents are the Filipino people & our God! #congrats,” ayon sa tweet ni Villanueva mula sa Las Vegas, Nevada.

Umaasa rin si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar na hindi pa magreretiro si Pacquiao upang sa gayon ay magkaroon sila ng rematch ng Amerikanong si Floyd Mayweather, Jr.

“Itong bakbakan na ito, mahalaga ito para kay Manny. Pag nanalo siya dito, mas malaki ‘yung chance na merong part two silang dalawa ni Floyd Mayweather,” wika ni Andanar bago ang laban ni Pacquiao kahapon.