KAPAG opisyal nang naikasa ang upakang Manny Pacquiao-Terence Crawford ngayong taon, handa ang Pinoy ring idol ayon sa kanyang longtime strength and conditioning coach na si Justine Fortune.
“Manny stays in shape,” bungad ni Fortune sa panayam ng Philboxing.com.
“He can’t stay still, he’ll do something to keep fit, like what he’s doing in lockdown. I know he’s working out everyday, banging the heavy bag, skipping rope, running on the treadmill, doing drills.”
Kamakailan ay inamin mismo ng kampo ng WBO welterweight champion na si Terence na nakikipag-ugnayan na sila sa panig ni WBA 147-pound champ Pacquiao para sa unification bout na nilulutong gawin sa Bahrain.
“If he comes back to fight in November, maybe we’ll do a little longer camp because he hasn’t fought since July last year. Just a little adjustment, maybe an extra week or two,” dagdag pa ni Fortune, na nasa kampo ni Pacquiao simula pa taong 2003.
Madalas nagpo-post ng video clip sa social media ang ‘Pambansang Kamao’ kung saan ay nagwo-workout ito sa kanilang bahay dahil bawal pang sumabak sa mga gym dulot ng pandemic coronavirus. (Ferdz Delos Santos)