Makakabugbugan ni eight-division champion Manny Pacquiao si Adrien Broner taya ang kanyang WBA 147-pound crown sa MGM Grand sa Las Vegas sa Enero 19.

Bukod sa puspusang training na sinimulan na ng Pambansang Kamao dalawang linggo na ang nakakaraan, plano rin ng Philippine senator na i-share sa Amerikano ang mga salita ng Diyos at engganyuhing umanib sa relihiyon niyang Born Again Christian.

“I’d like to share the word of God to him. Yes, he can still change for the better. We understand him,” kuwento ni Pacquiao sa artikulong lumabas sa boxingscene.com.

Kilalang maka-Diyos si Pacquiao at ang pamil­ya nito kaya nais din umano nitong kunin sa ‘tamang daan’ ang makakalaban.

Kaugnay naman sa kondiyon ni Pacquiao, magka-40 anyos na ngayong Lunes Dis­yembre 17, sinabi ng sparmate niyang George Kambosos na may kalalagyan si Broner.

“If someone’s gonna knock Broner out, Manny can do it,” wika ni Kambosos.