Pacquiao kakasahan ni Mayweather – Khan

Hindi man napagbigyan si Amir Iqbal Khan sa laban nila ni Pambansang Kamao Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao, hindi naawat ang Briton sa pagkokomento sa posibleng #MayPac2 sa hinaharap.

Ayon sa 33-year-old, 5-foot-8 1/2 pro boxer, kumpiyansa siyang babalik sa ring si Floyd Mayweather Jr. ng United Sates para muling makaupakan si Sen. Pacman.

At ang tanging rason ni Floyd, 43, ay para muling makalikom ng datung ang Amerikano sa bukbugan sa 41-taong-0gulang na si Manny, .

At kung si Pacquiao ang makakalaban, maliwanag aniya na magiging tiket niya ito para makatanggap ng panibagong nine-figure check at matugunan ang kanyang magarbong lifestyle.

“He spends a lot of money, but I don’t know if he’s ever going to want to come back. As I said, maybe he’s going to.”

Sa ‘Battle for Greatness’ o unang #MayPac taong 2015, nakakuha ng tumatagingting na $275M ang undefeated champ na kilala ring ‘Money Man”.

“We don’t know about Floyd Mayweather. But at this point in time, I can’t see him coming back to fight in a proper fight,” ayon pa kay Khan na dating ka-stable ni Pacquiao. (Aivan Denzel Episcope)