Kung mayroon unang kakastigo kay Pambansang Kamao at Senator Manny Pacquiao kapag hindi nito ginampanan nang maayos ang kanyang tungkulin bilang senador ay ang kanyang kasamahan na si Sen. Franklin Drilon.
Ginawa ni Drilon ang pahayag kasunod ng ulat na may petsa na ang susunod na laban ni Pacquiao, base sa report mula sa kanyang promoter na si Bob Arum ng Top Rank promotions.
Ayon kay Drilon, hindi ito tututol na lumaban muli si Pacquiao subalit kailangan nitong tiyakin na hindi maaapektuhan ang kanyang trabaho sa Senado dahil kung hindi ay kakastiguhin niya ito.
“I am supporting Pacquiao’s decision to box again because that’s his profession. Legislators can still practice profession. But I hold Pacquiao to his commitment that he will not neglect his duty. I will be the first one to criticize him,” ani Drilon.
Hindi maganda ang iniwang record ni Pacquiao sa Kamara dahil siya ang nagtala ng pinakamaraming absent sa hanay ng mga mambabatas kung saan isang beses lang itong pumasok sa kanilang session noong 2015.
Sa loob ng tatlong taon simula noong 2013 hanggang 2016, sa ilalim ng 16th Congress, 12 beses lamang pumasok si Pacquiao sa kabuuang 192 session days kaya nagtala ito ng 180 absents.
Hindi ito nakakapagtataka dahil naitataon sa araw ng sessions ang ensayo ni Pacquiao na kailangang magsanay ng dalawang buwan kapag may laban.
Pero sa isang pahayag, itinanggi ni Pacquiao na mayroon nang petsa ang kanyang laban at kung lalaban man ay tiniyak nito na hindi masasagasaan ang kanyang trabaho sa Senado.
“I want to make it clear… my priority is my legislative work… My next fights has not yet been discussed. Should there be any, I will make sure it will not interfere with my Senate duties….” ani Pacquiao.
Napaka-swerte mo talaga Money Pacquiao, ginawa mong pahingahan ang Senado kapag wala kang laban. At habang nasa opisina ka naman, ang inaasikaso mo lang makipag-chat kay Arum kung kalian ang laban mo at bahala ang mga Staff mo sa mga kalakaran sa Senado.
ANAK NG PATENG KA MANNY… IBIGAY MO NA LANG YANG PAGIGING SENADOR MO SA HIGIT NA KARAPAT DAPAT…
MAG BOKSING KA NA LANG…