Mistulang kinuyog kahapon ng mga senador si Sen. Manny Pacquiao matapos na magbigay ito ng kanyang unang privilege speech at isulong ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng pagbigti, firing squad o kahit na pugot-ulo para sa drug traffickers.
“Mas magiging epektibo ang pagpapatupad ng batas kung lalagyan ito ng pangil, pangil na agad magpapahinang loob sa mga nagbabalak pa lamang gumawa ng kalokohan,” giit ng boxing icon.
Tulad ng bangasang laban sa lona, hindi naman umatras si Pacquiao nang mag-interpellate sa kanya sina Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III, Sens. Joel Villanueva, Leila de Lima, Gregorio Honasan, Risa Hontiveros at Francis ‘Kiko’ Pangilinan.
Sa pagtatanong ni Sotto, inusisa nito si Pacquiao kung sa anong paraan niya ipapatupad ang death penalty dahil mayroong nagsasabi ng death by hanging, firing squad at lethal injection.
Tinanong ito ni Sotto dahil sa ilalim ng Section 19, Paragraph 1 ng 1986 Constitution ay bawal ang “cruel, degrading and inhuman punishment”.
“Ito ang nakapigil sa amin noon para ibalik ang electric chair,” paglalahad ni Sotto.
Humugot naman ng verse sa Bibliya si Pacquiao para idepensa ang kanyang panukala sa pagsasabing kahit na ang Panginoon, pinapayagan ang pagpugot ng ulo sa mga taong nagkasala.
“In the Bible, it’s sword, meaning to say cutting the head. God is allowing that to cut the head when you are punished by death,” giit ni Pacquiao na nagdugtong pang ipinagbabawal sa mga doktor na magbigay ng lethal injection.
“Para po sa akin, nananaig ang hanging o firing squad…sisipain lang ‘yung upuan (sa death by hanging),” sagot naman ni Pacquiao sa tanong ni Sotto kung ano ang pinapaboran niyang paraan.
Maging ang dating kalihim ng Department of Justice na si De Lima, kinuwestiyon ni Pacquiao kung bakit mahigpit itong tumututol sa panukala.
“I’m against death penalty on legal, moral basis. On legal, moral and human rights perspective,” sagot ni De Lima.
“Right now, I’m not satisfied but we will finished it in the committee meeting,” buwelta naman ni Pacquiao.
Ginisa rin ni Sen. Pangilinan si Pacquiao kung saan nilektyuran niya ito na iba ang pagkakaintindi ng huli sa abolition ng death penalty, bagay na tinanggap naman ni Pacquiao ang kanyang pagkakamali.
Nasa tabi ni Pacquiao ang tatlo nitong staff para magbigay ng datos sa mga itinatanong sa kanya ng anim na senador na nag-interpellate. Umabot ng halos dalawang oras ang pagsalang ni Pacquiao sa privilege speech at pagtatanong ng mga senador.
!D!OT – HE DOES NOT KNOW WHAT HE’S TALKING ABOUT…….
Fukyaw said death penalty is written in the bible. Where?….Because his brain is limited he did not read the Ten Commandments of God where number 7 says – THOU SHALL NOT KILL.
pacman
pacman
ANG BABAE PARA SA LALAKI AT ANG MGA KRIMINAL PARA SA IMPEYERNO.. HAHAHA!!.
YAN ANG WARRIOR…MAY PANININDIGAN…KAHIT DUN SA SINABI NYA NOON SA MGA BADING HINDI SIYA SUMUKO…DAHIL YUN TALAGA ANG SALITA NG AMANG BATHALA!!!
iyong mga nagnakaw sa kaban ng bayan dapat pugot ulo at sigaan dahil ang mga utak nila ay puor surot lang. di na dapat pinadadaan pa sa proseso iyan ang hirap kapag mayaman may proseso pero kapag mahirap wla na.
ganito nalang kung saan ka nagkasala doon ka papatayin, bumaril ka barilin ka rin, pinatay mo sa palo ng matigas na bagay, doon ka rin papatayin, mga druglords turukan ng sandamakmak na droga hanggang mamatay sa overdose, pinatay mo sa patalim patalim ka rin papatayin. pinatay mo sa pagsagasa ng pison papasagasaan ka rin sa pison. hindi na siguro ma huhuman rights yan.
tama ka dyan bro.
Mary Jane Veloso, Mary Jane Veloso, Mary Jane Veloso.
Does it ring a bell to you, Manniac Pack-yu?
Two thumbs up kay idol sen. pacman, wag ka pagugulat sa mga yan idol, kung ano yung nasa isip at puso mo na alam mong tama para sa ikauunlad at ikabubuti ng bansang Pilipinas ipaglaban mo…
takot lang si de lima sa death penalty kc baka sya masampulan pag nagkabukingan na sangkot sya sa drugs
Good job! Saludo ako syo Sen. Manny Pacquiao wag ka matatakot sa mga trapo senador na walang nagawa mabuti para sa mga Pilipino.
At least, mas matapang si Manny at nagsalita sa senado di tulad ni Lito Lapid na tameme sa loob ng maraming taon niyang bilang senador.