KUNG inaakala ng ibang `expert’ na palaos at paretiro na sa boxing si Senator Manny Pacquiao matapos itong mapatumba ni Jeff Horn noong July 2, 2017, nagkakamali sila.
Inabisuhan lang pala si Pacman na magpaka-easy muna upang mapangalagaan ang kanyang pangangatawan at kalusugan.
Sa katunayan ay dinedma pa ni ‘Pambansang Kamao’ ang tila pang-iismol ng ilan at pinatunayang matikas pa rin siya sa boxing ring.
Ito ay matapos siyang kumamada ng three straight victories kontra Lucas Matthysse, Adrien Broner at Kieth Thurman.
Dumaan na sa radar ni fighting senator sina Mikey at Danny Garcia ngunit sinasabing ang tanging habol pa rin nito ay ang kanyang best rival na si Floyd Mayweather Jr.
Sa ngayon ay wala pang tiyak na makakalaban ang 41-anyos na southpaw pero asahan na magiging matinding laban pa rin ito lalo na’t may gusto ngayong patunayan si Pacman. (Aivan Episcope)