Pacquiao may wax figure na

Pacquiao may wax figure na

Magkakaroon ng wax figure si Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao para sa sikat na wax museum na Madame Tussauds sa Hong Kong.

“I’m very hono­red they chose me,” saad ng Pambansang na ipinagdiriwang ang kanyang ika-41 kaarawan Martes, Disyembre 17.

“Masaya ako na maitataas ko muli ang bandera ng Pilipinas sa ganitong paraan. Madame Tussauds Hong Kong has many personalities including my fellow athletes and excited ako na makatabi ko sila roon.”

Ayon sa press statement, nasukatan na si Pacquiao para sa kanyang wax figure na ­umabot ng anim na oras.

Inaasahang ­taong 2020 ilalabas at masisilayan ang wax figure ng eight-division world professional boxing champion sa lugar. (JAT)