Walang dudang isa si Floyd Mayweather, Jr. sa mga dakilang boksinge­ro sa mundo sa lahat ng panahon.

Naka-50 laban, lahat panalo. Nakipag-umbagan pakrus sa limang weight class at ang lakas niya sa box office ang naging kalamangan kina 8-division world champ Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao, Mike Tyson at Oscar dela Hoya.

Wala na siyang dapat pang patunayan. Maski ang ‘di na magsuot muli ng gloves. Hindi na importante na muling makita siya sa ibabaw ng ring, lalo’t maganda na ang kanyang buhay sa labas nito na maaaring ­maging miserable pa kung magbabalik pa ang 41-anyos nang retiradong boksingerong Amerikano.

Nitong Hulyo 15, tinudyo ni Pacquiao ang karibal para sa kanilang rematch tapos maharbat ang 60th victory kontra Argentinean Martin Lucas Matthysse sa Malaysia.

“Si Mayweather? Retired na ‘yan. Pero kung babalik pa siya para sa rematch namin, tingnan natin,” namutawi sa Filipino legend matapos matalo noong 2015, hinirit pa na may championship belt siyang World Boxing Association welterweight at na kay Mayweather na ang pagpapasya.

Nagkakahugis ang nalalapit na rematch ng dalawa kung babasahin ang bawat linyang galing sa bibig ni Mayweather.
“I warned, he had excuses, but congrats on the victory Manny ­Pacquiao, keep up the good work. You gotta ­realize this, I made smart investments,” aniya nu’ng Sabado.
“I speak real things when I post on social media. Like I said, short-term sacrifices, long-term rewards.” (RC)