Higit sa P5 milyong halaga ng kotse, pick-up truck, motorsiklo, cash at mga appliances ang ipina-raffle ni Senador Manny Pacquiao sa pagdiriwang ng kanyang ika-40 kaarawan sa General Santos City noong Lunes.
Nagpa-raffle din siya ng dalawang P500,000 cash na napanalunan ng bisita sa kanyang birthday party.
Ayon sa bilyonaryong si Pacquiao, galing sa kanyang bulsa ang pinanggastos sa raffle.
Ang isang Ford pick-up truck ay nagkakahalaga ng P1 milyon, habang ang tatlong Suzuki Dzire ay pumapalo sa P700,000 bawat isa.
Higit sa 50 motorsiklo at 200 appliances din ang ipina-raffle ni Pacquiao.
Dumalo sa birthday party ang mga kilalang personalidad sa politika at palakasan, kabilang na si Pangulong Rodrigo Duterte.