PACQUIAO NIRAPIDO NG PAGBATI

Umulan ng congratulatory resolution mula sa Kongreso para kay Manny Pacquiao, papuri at pagbati naman ang ipinaabot ng kapwa niya mga Senador matapos talunin si Jessie Vargas para agawin ang WBO welterweight belt nito noong Sabado sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas.

Sa Senate Resolution No. 217 ni Senate Majority Leader Tito Sotto, binanggit ang unanimous decision victory ni Pacquiao na lamang sa tatlong cards ng judges. Wala raw katumbas ang karangalang ibinigay sa bansa ni Pacquiao.

“Sen. Manny Pacquiao deserves to be re­cognized and commended­ once again not only for adding another world title to his collection but also for the concomitant pride and honor that he gives to our country,” diin ni Sotto.

Sa Kongreso, naghain din ng House Resolution 493 sina 1-Pacman party-list Reps. Enrico Pineda at Mikee Romero.

“Senator Pacquiao’s win once again brought the much deserved recognition to Filipino athletes both in the Philippines and in the international community,” bahagi ng resolusyon nina Pineda at Romero.

Meron pang hiwalay na HR 496 si Abra Rep. Joseph Sto. Nino Bernos.

“The accomplishment of Senator Emmanuel ‘Manny’ D. Pacquiao as a boxer have brought significant attention to the Philippines as power­house in the sport of boxing,” ani Bernos.