Wrong move. Kadiri choice.
Ilan lamang ito sa mga negatibong komento sa pagkakapili ng Shopee kay Senador Manny Pacquiao bilang endorser ng online shopping app.
Nag-post kasi ang Shopee ng bago nilang promo para sa “11.11 Big Christmas Sale” kasama ang larawan ng senador bilang endorser.
“Did you get it right, Shopee fam? Meet Shopee’s newest ambassador: ang pambansang kamao, Manny Pacquiao!” nakasaad sa Twitter post ng Shopee.
Mabilis na umani ito ng mga negatibong reaksyon mula sa mga netizen na binatikos ang Shopee kung bakit piniling maging endorser nila si Pacquiao.
“Shopee this is a wrong move,” sabi ni Kevin Pagkanern@capersnaps.
“Neng, kadiri ang choice. Pedriod,” ayon kay Tituh Pogi@TitaPogi.
Hindi rin nakaligtas sa mga netizen si Pacquiao na pinagsabihang harapin muna ang kanyang tungkulin bilang isang mambabatas.
“No, Shopee. YOU didn’t get it right. Pagtrabahuin nyo yan. Wag gawing endorser,” sabi ni Steuart@Steuart.
“Okay naman maging endorser pero sana kung mas maraming time magtrabaho lol,” komento ni Jericho Rayel Timbol@jerichorayel.
“Yep, Pacquiao mag-Papasko na, wala ka pa din nagagawa sa Senado. Work work muna as a Senator ha,” ani Mikhail@Mikhail217.
Tanong naman ng isang netizen na bakit hindi pinapayagan maging endorser ang mga mamamahayag tapos puwede naman itong gawin ng isang mambabatas.
“if hournalist are not allowed to be endorsers bakit sitting politician pwede?” tanong ni @sharielzoe
May nagtanong kung bakit ang mga mamamahayag hindi pinapayagang maging endorser pero ang mga mambabatas puwede pala.
“He is a senator. He shouldn’t do endorsements like this. Tell him to quit politics and just do boxing and ads,” dugtong ni @MaamSyj.
May nagpahayag naman na baka mapagkamalan na may kapalit ang pag-endorso ng senador.
“Because it reeks of campaigning, yes? Plus, monetary benefits for being a promoter can be construed as possible compensation for legislative favors,” ani @AlcedEternal.
Isang netizen ang nagsabing mas marami pa aniyang extra-curricular si Pacquiao “keysa pumasok sa senado at gumawa ng batas”.