Pacquiao walang pahinga, tuloy ang ensayo sa GenSan

Ilang araw na lang bago sumapit ang Kapaskuhan, nasa training mode pa rin ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao para sa January 19, 2019 bout kontra American bruiser Adrien Broner upang idepensa ang kanyang WBA regular welterweight belt sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Nasa General Santos City na si Pacquiao nitong ­Huwebes at hanggang kahapon ay walang sinasayang na oras kaya tuloy ito sa pag-eensayo.

“The training regimen gets heavier and heavier and it’s good the Senate is in recess, so, wala nang distraction,” ayon sa panayam kay Pacquiao sa philboxing.com

“With the Senate now in recess, mabibigyan na natin ng sapat na panahon ang ating hanapbuhay,” patuloy nito.

Muling sumalang sa sparring session kahapon si Pacquiao katapat ang ‘dance partner’ na si George Kambosos Jr.

Sa darating na Lunes, Disyembre 17, ay magseselebra ng kanyang ika-40 kaarawan ang eight division champion.