Padaanin sa tamang judicial process

Letter To The Editor

Dear Editor,

Nakakagigil ‘yung mga taong nasa likod ng pag-aalsa ng mga Lumad na kabilang sa mga bakwit na galing Marawi. Sa halip na tumulong na lang dahil pare-pareho naman tayong mga Pilipino, ­puro lamangan at siraan ang alam gawin.

Puro bintang na may ‘human rights abuses’­ at hindi raw tumutupad ang gobyerno sa pangako­ nitong mapabuti ang kanilang kalagayan. Sige nga, kung may mga human rights violations ngang naganap, magkaso kayo!

Padaanin ninyo sa ­tamang judicial process hindi ‘yung papagurin niyo pa ‘yung mga kapatid nating Lumad na magmartsa at mag-rally dito sa Maynila.

Tinturuan nilang ma­ging baluktot ang kaisipan ng mga Lumad na bakwit sa pamamagitan ng pagbe-brainwash sa mga ito para magalit sa ating Presidente.

Obvious naman na team HEPA at mga DILAWAN na naman ang may pakana ng mga ito at ginagamit ang mga walang kamuwang-­muwang at dapat sana ay pinoproteksyunan nating mga kapatid na indigenous people.

MEYNARD DASIG