Padilla brothers nag-volunteer ‘ibenta’ ang federal government

Bagama’t sa Enero pa posibleng simulan ng Kongreso ang pagtalakay sa pag-amyenda sa Saligang Batas, nagboluntaryo na ang magkapatid na sina Robin­ at Rommel Padilla na tumulong para itulak ang system ng Federal form of government na siyang layunin ng Charter Change (ChaCha).

Kahapon ay nag-courtesy call ang magkapatid na aktor kay House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ ­Alvarez kung saan nanawagan din ang lider ng Kamara sa iba pang mamamayan o grupo na tumulong para ipaunaw­a sa buong bansa ang sistema ng gobyerno na itinutulak ng Duterte administration.

Ayon ay Robin, handa ito kasama ang kanyang kapatid na si Rommel na gumawa ng mga informercials nang libre para bigyan ng edukasyon ang mga Filipino ukol sa Federal form of government.

“Ang tanging maitutulong natin ay sumama sa makinarya ng gobyerno, at ito ang makinarya ng gobyerno: ang Kongreso,” ani Robin.

Sinabi ni Robin na isa sa mga dahilan kung bakit sinuportahan nito ang kandidatura ni Duterte noong nakaraang eleksyon ay dahil sa adbokasiya na palitan ang sistema ng gobyermo mula presidential tungo­ sa federal system.