Inihayag kahapon ng pamunuan ng Department of National Defense (DND) na malaking tulong sa military operations ang pagbili ng anim na Brazilian A-29 light attack helicopters.

Ito ay matapos una nang kumpirmahin ni Defense Spokesperson Dir. Arsenio Andolong na magkakaroon ng anim na brand new Embraer A-29 ‘Super Tucano’ light attack aircraft ang Philippine Air Force (PAF).

Ayon kay Andolong, ang nasabing light attack helicopters ay nakatakdang i-deliver sa taong 2019 at kapag dumating na ito sa bansa, ang PAF 15th Strike Wing ang siyang magmamantine ng mga nasabing aircraft.

Binigyang-diin ni Andolong na ang A-29 light attack helicopters ay durable, versatile at highly advanced aircraft na na capable na mag-carry out ng wide range of missions.

Dagdag pa nito na kayang mag-operate ng mga nasabing aircraft lalo na sa mga unimproved runways.

Ang 15th Strike Wing ay naka-base sa Sangley Point, Cavite City na siya ring operator ng lahat ng Air Force’s ground attack aircraft kabilang ang Rockwell OV-10 ‘Bronchos’ bomber plane.

Inanunsiyo rin ni Andolong na ang Brazilian aircraft manufacturer Embraer Defense and Security ang napiling supplier ng DND para sa anim na brandnew close air support aircraft (CASA) na nagkakahalaga ng P4.96 billion.