Isusulong ni Senador Win Gatchalian ang panu­kala na mag-aalis ng tax deductions sa mga hono­raria at allowances ng public school teachers na nagsisilbi sa panahon ng halalan.

“We want to recognize the vital role our teacher­s play in maintai­ning the order and integrity of this democratic exercise,” saad ni Gatchalian.

Batay sa regulasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) regulations, tax-exempt lamang ang mga allowan­ces at honoraria ng mga guro na magsisilbing sa eleksyon kung papasok ang kanilang annua­l income sa P250,000.

Una nang nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na itataas ang sweldo ng mga public school teacher.

“We are ready to assist on the legislative aspect if need be,” saad ni Gatchalian.

Iginiit naman ni Education Secretary Leonor Briones na kaila­ngan ng gobyerno ng P150 billion upang maipatupad ang dagdag sahod.(Dang Samson-Garcia)