Ibinasura ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang ilang panukalang bigyan ng armas o baril ang mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) bilang depensa sa mga abusadong motorista na lumalabag sa batas-trapiko.
Paliwanag ni Estrada, ang pag-aarmas sa mga sibilyang traffic enforcers ay magdudulot lamang ng mas maraming problema sa halip na solusyon.
“Hindi, hindi muna, pag-aaralan muna natin ‘yan. ‘Di tayo basta-basta nag-iisyu ng ganyan. Pag-iisipan ko pa ‘yan,” paglilinaw pa ng alkalde.
Gayunpaman, sinabi ni Estrada na ikokonsulta muna nito sa Manila Police District (MPD) Director P/C Supt. Joel Coronel ang nasabing panukala.
Nabatid na may ilan na ring nagpapanukala na armasan ang mga MTPB enforcers dahil sa mga insidente kung saan sila ay hina-harass ng mga galit at abusadong motorista.
Ayon kay Estrada, alam nito na delikado ang trabaho ng isang traffic enforcer ngunit mas matutukso umano ang mga ito na mang-abuso kapag may hawak na baril.
Wala nga alam sa traffic rules mga ibang enfoncer and walang proper training at walang disciplina,, AARMASAN mo pa??? Batuta siguro puwede. Baril – No way.
Kung may mga baril na lisensiyado ang mga enforcers at permit to carry, bakit hindi puwede? Kung ang isang civilian na may permit to carry puwede nga iyon pang enforcers?