Dahil sa pangambang aabusuhin at may lalabaging karapatan ang idineklarang state of lawlessness ni Pangulong Rodrido Duterte, binuksan ng Senate blue ribbon committee ang pintuan nito upang tanggapin ang anumang mga posibleng reklamo sa pagpapatupad nito.

Sa kanyang personal at collective privilege kahapon sa Senado, sinabi ni Senador Richard Gordon, chairman ng komite na bukas ang kanyang komite na tumanggap ng mga posibleng reklamo kaugnay sa pagpapatupad ng naturang deklarasyon.

Ayon Kay Gordon, dahil sa kawalan ng malinaw at espesipikong detalye ng naturang deklarasyon ay nagdulot ito ng pangamba sa marami partikular ang takot na ito’y patungo nang Martial Law.

“The declaration of state of lawlessness has no specific review. And this lack has created uncertainty and engendered fear in many of our citizens. Political leaders and many good-hearted people have expressed grave apprehension fearing that their civil, political and human rights would be adversely affected,” ayon Kay Gordon.

Paglilinaw pa ng senador na bagama’t suportado niya ang deklarasyon ngunit dapat may malinaw na regulasyon sa pagpapatupad nito kasabay ng pagsasabing ang kongreso kaalinsunod sa tinatawag na “Cons­titutionally-mandated separation of powers” ay siyang makakapagbigay ng kailangang check and balance upang mapawi ang pangamba ng taumbayan.

2 Responses

  1. PWEDE DIN BA ISUMBONG SA SENADO YUNG MGA DRUGLORD, PUSHER NA ADIK AT MGA TERRORISTANG KRIMINAL…MAY MAGAGAWA PO BA KAYO PARA SAFE ANG TAONG BAYAN….KASI TAONG BAYAN ANG LAHAT NG NAGBABAYAD SA SUELDO NINYO AT GASTOS NINYO SA PAMILYA NINYO…HAHAHA ….MGA PAKSHET

  2. Mabuti naman at hindi lahat ng Senador ay tango na lang ng tango kay Duterte. Huwag kayong papayag na mawala ang check and balance para di umabuso ang Presidente.