Marami ngayon ang hindi lang galit at poot kundi suklam ang nararamdaman para kay Ginoong Raffy Tulfo dahil sa wala sa hulog at hindi niya makatwirang pangangasiwa sa sitwasyon tungkol sa isang reklamo sa isang guro.

Pangmalakasan naman ang programa niyang “Aksyon” kaya makukuha niyong mapanood ang bidyo kung saan nangyari ang mga kaganapan.

My dear Abante TONITE readers, kayo na ang mag-opinyon at ipasa ang hatol sa host ng sumbungan program, pati na rin sa mga nagsumbong sa kanya.

Takang-taka lang at gusto kong mahibang, bakit kaya sa programang ito dinulog ng nagreklamo ang nangyari? Hindi niya ba naisip man lang na pumunta muna sa guidance o principal’s office? Responsibilidad ng isang mag-aaral na kung may card na ibinigay sa iyo at alam mong takdang panahon para ibalik ito sa paaralan, kailangan bang ipagtanggol na walang “mali” ang isang bata na hindi marunong sumunod sa bilin ng kanyang guro? At higit sa lahat, wala na ba talagang karapatang salingin o disiplinahin ng isa o mga guro ang kanyang mga mag-aaral na hindi marunong sumunod sa alituntunin ng kanyang paaralan?

Kung ano ang kahihinatnan nito, nawa’y tayong lahat, may mga aral na mapulot. Ang pinupunto ko lamang, hindi madali ang maging isang guro. Hindi lang ito karera o propesyon, bokasyon ito para sa mas nakakarami. Ang inaambag nilang panahon at karunungan sa mga mag-aaral ay hindi puwedeng kwestiyunin at utang na loob na dapat tanawin ng kanilang mga mag-aaral pang-habambuhay.

Kaya sa host ng “Aksyon” at sa mga nagreklamo sa guro, hahayaan kong ang balana, dabarkads at madlang pipol, pati na rin ang kasaysayan, ang humusga sa inyo. Basta ang diva that you love, in a major, major way ang pagdadabog ng bangs dahil rito, huh!

Nakakahibang: Raymond paligoy-ligoy ang sagot sa gender

Sa press payanig para sa isang paparating na pelikula, ang seasoned actor na si Jay Manalo, walang halong pag-iimbot at buong katapatang umamin na may gay experience na siya.

Juice colored! Mas lalo naman sigurong aarko ang bushy kilay ng mga taga-Rosas Pandan Community kung ang drama ni Manalo ay busilak at walang malay pa siya tungkol sa mga men who have sex with other men.

Ang kapareha naman niya sa pelikula, na ang katauhan ay isang transgender na Greta yata ang pangalan, ang isa pang seasoned actor na si Raymond Bagatsing, ang sagot naman nu’ng siya ay tinanong tungkol sa kanyang sexual orientation, juice colored anew, huh!

Parang may emote muna na “Thank you very much for that wonderful question,” tapos may pagkahaba-habang aria. Ano ito Bagatsing, thesis defense? Oo lang o hindi ang dapat sagot sa katanungan, hindi ba naman?

Sa true lang tayo, parang hindi naman na tataas ang presyo ng bentahan sa palay sa pagpapakatotoo ni Jay at paligoy-ligoy na sagot ni Raymond.

Ang mas big deal, ilang hypothetical halimbawa, kung sa malapit na hinaharap ang isang tulad ni Piolo Pascual, umamin na meron na siyang gay experience. May tama ako rito, hindi ba naman?

Mas may “oh I told you so” or “no, this cannot be real!” kung ang isang barakong-barakong tulad ni Kit Thompson, umamin na “sexually fluid” siya and that he loves it best when he “swings both ways.” Panalo sa ilusyon, tumpak na tumpak?

Ang mga hypothetical halimbawang ito ang mas kapana-panabik, kagitla-gitla at may shock tulala factor kesa sa seasoned actors like Manalo and Bagatsing supposedly telling the truth and nothing but the truth.

Makatulong nawa ang drama-rama nilang ito para naman hindi sila-sila lang ang manood sa kanilang pelikula, huh!

Mga AlDub fan niratrat ang flight attendant

Ang ilang AlDub Fantards, ibang klase rin talaga ang kapangahasan at kasalbahihan, huh!

Dahil nga best in sopla sila ni Ms. Sylvia Sanchez sa kanilang walang kapararakang kuda na dahil sa magic of photo shop kaya kasama si Maine Mendoza sa cena con la famiglia Atayde, isang flight attendant naman ang kanilang pinaglaruan at rinatrat.

Hindi ko na papangalanan ang mayuming dalaga. Ang tanging ginawa lamang ay mag-strike a pose with Alden Richards sa loob ng eroplano kung saan ito nakasakay en route to Manila matapos ang “Eat Bulaga” show sa Dubai.

Ang fantards, bordering on verbal harassment ang ginawang pag-aaglahi sa kawawang flight attendant.

Ano pa nga ba ang dapat nating sabihin sa mga AlDub fantard na ito? HUWAG TULARAN.

At kung sino-sino man sila, sa lalong pinakamabilis na panahon, hindi sa tamang panahon, ma-weed out sila dahil kasiraan sila sa mga matitinong AlDub Nation members.