Pag-alburuto ng Mt. Kanlaon, fake news

Pinabulaanan ng Phivolcs ang kumakalat na impormasyon sa social media na nag-aalburuto na rin ang Bulkang Kanlaon sa isla ng Negros.

Ayon kay Engineer Andylene Quintia, resident volcanologist ng Kanlaon Volcano Observatory, peke at luma ang mga larawan at mga video na ipinost sa social media at kung umuusok umano ang bunga­nga nito ay normal lamang para sa isang aktibong bulkan.

Aniya, ang bulkang Kanlaon ay nananatiling nasa ‘alert level zero’ na ang ibig sabihin ay ‘no magmatic eruption is foreseen in the immediate future,” at hindi naaapektuhan ng ‘phreatic eruption’ ng Taal Volcano sa Batangas.

“Ibang bulkan ito. May sarili siyang magma system. Iba-iba ang activity for every volcano. Wala pong kinalaman ‘yung activity ng Taal kung sa Kanlaon,” paliwanag ni Quintia sa mga panayam.

“Currently po nasa alert level­ zero pa rin po ang Kanlaon Volcano.­ Ibig po sabihin noon ay nasa normal levels po lahat ng volcanic parameters,” anang resident volcanologist.

Nilinaw din ni Quintia na regular ang isinasagawa nilang monitoring sa Kanlaon Volcano. (Dolly Cabreza)