“Parang hindi naman na bagong isyu ‘yan,” ang sagot ni Nadine Lustre nang matanong siya ng entertainment press and TV reporters sa red carpet premiere night ng solo film niyang “Ulan” last Monday na ginanap sa Trinoma kung ano ang reaksyon niya sa pag-amin ng boyfriend niyang si James Reid na nagli-live in sila.
Umamin si James sa “Gandang Gabi Vice” aired last Sunday although nadulas lang naman ang aktor at hindi niya sinasadyang masabi.
“Ewan ko ba kay James,” sambit pa ni Nadine.
“No, but really, I didn’t really wanna say anything before kasi hindi naman importante na malaman din ng ibang tao, but I guess it’s out, pero parang kasi, hindi rin naman surprising since medyo obvious din naman siya, so, ‘yun…” pahayag pa ni Nadine.
Samantala, suportado ni James ang solo movie ng girlfriend at dumating siya sa preem night along with the cast at direktor na si Irene Emma Villamor. Dumating din si Sam Concepcion na isa ring Viva Artists Agency talent bilang suporta sa pelikula, at iba opang Viva artists.
Pelikula talaga ni Nadine ang “Ulan,” walang kaduda-duda. Bagama’t may mga leading man siya tulad nina Marco Gumabao at Carlo Aquino, (isama na rin natin si AJ Muhlach in a cameo role), maiigsi ang papel ng mga ito compared sa aktres. At maging sa story, kuwento talaga ito ng karakter niyang si Maya.
Pero kahit maikli lang ang role ni Carlo at sa kalagitnaan na siya um-appear, bibilib ka naman talaga sa husay ng aktor sa kanyang mga eksena na kahit napakasimple nga lang ay parang walang ka-effort-effort niyang naiaarte nang mahusay.
Showing na ang “Ulan” ngayong araw na ito, March 13, sa mga sinehan.
***
JK pinatamaan si Darren?
Hindi namin alam kung sino na naman ang binabanatan ni JK Labajo sa kanyang bagong Instagram Story post kahapon.
“Balang araw ay maaamoy din ng mga tao ang tunay mong baho.
“Malalaman din nila ang totoo mong kulay.
“Malalaman din nila ang tunay mong pagkatao.
“Lalabas lahat ‘yan. Marami kaming naghihintay.
“-soon,” ang buong nilalaman ng post ni JK.
At dahil nga may away na namamagitan sa kanila ni Darren Espanto, for sure ang unang papasok sa isip ng mga makakabasa nito at hula ay ang nasabing singer ang pinatatamaan ni JK.
Matatandaang nagkaroon ng Twitter war ang dalawa noong October of last year nang mag-tweet umano si JK ng “gayness at its finest” at naka-tag kay Darren.
Itinanggi naman ito ni JK saying na hindi siya ang nag-tweet at na-hack daw ang kanyang account. Pero naniniwala si Darren na ang kaalitang singer talaga ang nag-tweet nito.
Anyway, dating magkasama sa The Voice Kids Season 1 ang dalawa noong 2014 at dito sila nagsimulang magkaroon ng pangalan. Dati namang maayos ang samahan ng dalawang ito at ewan nga ba what went wrong.