Pag-amin ni Jon na may asawa’t anak malaking sugal

Super promising at malakas ang dating nina Jon Lucas, Michelle Vito at Akihiro Blanco, ang tatlong­ bida, kasama sina Ms. Boots Anson Roa at Freddie Webb, sa pelikulang Dito ‘Lang Ako’ mula sa Blade ­Entertainment.

Makisig at ma-appeal si Lucas sa personal. Hindi lang ako sigurado kung makakatulong ba sa karera niya ang pag-amin na may asawa’t anak na siya. Malaking bagay ang pagpapaka­totoong ito? Kumbaga malaking sugal sa career.

Ang pinakagusto ko kay Jon, ‘pag tinanong mo siya, he looks at you straight in the eye at hindi nonsense ang sagot. Gusto ang sagot niya tungkol sa best assests ni Vito, “Maganda siya. Open naman ako lagi sa pagsabi kahit noon pa na maganda siya. Mabait. Makulit. Palagay ang loob ko sa kanya. Kaso, mas importante sa kanya ang mga dogs niya. Animal lover kasi. Hahaha.”

Si Vito, mas maganda sa totoong buhay at matalino ang mga pagsagot sa katanungan. Sa tanong na who she is the better looker sa da­lawa, “Ay! Alam ko hindi niyo gusto yung pareho sila. Siguro, yung isang set of friends ko, they will like Jon. Yung iba naman, si Akihiro ang magugustuhan nila.”

Si Akihiro, laging relia­ble at alam mong one big project lang ang kailangan at pwede talaga itong maging leading man o bida/kontrabida.

Siya ba ay naging bahagi na of a love triangle? Sagot agad ng binatang mukhang Korean actor, “Hindi pa. Pero gusto ko. Para kasing masaya minsan pag it’s complicated ang status ng relasyon mo eh. Hahahaha. Siempre, if I am in the situatiom, I will put my best foot forward. Mararamdaman mo naman kung mas lamang ka. Kung hindi, masakit man, magpaparaya ako. May aral naman lagi ang lahat ng pakikipag-relasyon.”

Tinimbang pero kulang

Kung pag-aaralan at lilimiin ang mga galawan sa showbiz merkado para sa pelikulang ‘I Love You, Hater’, ang diva that you love, hindi maiwasang magtanong at magtaka, ang inilathalang P40 milyon gross income nito, tunay ba talaga o hindi?

Kasi kung talagang palong-palo ito sa takil­ya, bakit to the rescue ang mga kaibigan ni Kris Aquino para sa block screening? Si Aquino, may pa-block screening. Ang kanyang mga kaibigang sina Angel Locsin at Kim Chiu, sumuporta sa pelikula. Ang Aldenatics, pati ang fandoms ni Joshua­ Garcia, may moolah at powers, nakapagpa-block screening.

Ang huli nga, si Vice Ganda nagplanong magpa-block screening pero walang available sa Trinoma kaya bumili na lang siya ng maraming tickets­ at nag-imbita.

Umiyak si Krissy­ sa effort ni Jose Marie kasi napagtanto niya na when push comes to shove, maasahan niya pala talaga ang Queen Bayot.­

Ang luha ba ni Aquino ay dahil sa kaligayahan, relief o dahil ang dami niya ring katunangan sa kanyang sarili tungkol sa mga kaganapan sa pelikula niya at hindi na niya mapigil pa ang kanyang damdamin, naibulalas niya kay Vice.

Kung babalikan ang mga nangyari sa ‘I Love You, Hater’, matapos ang Pasko sa Hunyo press payanig na kanyang pinamunuan, wala kahit isang programang na­ging panauhin si Aquino­ para sa promotion. Pulos sina Josh at Lia.
Ang nakakalungkot, nung may persepsyon na under performer ito sa takilya, ang may kasalanan at sinisisi, ang Digital Empress. At para nga mai­salba ang pelikula sa maling persepsyon, well chronicled at reported ang block screenings na iniated by Kris, her showbiz friends and followers.

Makaka-third week pa kaya ito sa sinehan? For all the praise and tweets about it, hindi ba mainam pag-aralan bakit these efforts did not translate sa ticket sales?

Laging sinasabi na social media is the new king, kung totoo ito, ano ba talaga ang effective na social medium para manalig ang balana, dabarkads at madlang pipol na dapat nilang suportahan at yakapin ang isang proyekto?

Ibig bang sabihin nito, hindi porke top trending topic ka, or sangrekwa pa ang digital followers­ mo, it does not follow na ang proyekto, pelikula man o produkto, eh hindi gagalaw sa merkado?

Gumalaw naman ang ‘I Love You, Hater’ ng JoshLia at ni Kris sa merkado. Hindi pangit ang pelikula. Kaya, bakit nung tinimbang ito, parang may kulang?