Dear Editor:

Ayon sa utos ni Pres. Duterte, “destroy Abu Sayyaf.” Kaya ayun nagpadala ng karagdagang tropa ng 2,500 na sundalo sa Jolo. Siguro naman malili­pol na ang ASG na ‘yan.

Talaga namang walang konsiyensya ang mga ito dahil lulong sa droga. Kaya masahol pa sa hayop sa gubat kung paano pumatay ng tao. Dapat lang na pulbusin na sila. Imagine, nabaril na nga, pupugutan pa ng ulo. Grabe talaga.

Kung hindi sapat ang kaalaman ng mga sundalo sa terrain ng Jolo dapat masusing pag-aralan nila ito bago sumabak sa paghahabol sa mga kriminal na ito. Kung hindi mauubos ang ating mga kasundaluhan sa labanang ito.

Kung hahantong sila sa lugar na maaari silang ma-ambush na walang kalaban-laban, dapat mapag-aralan muna nila ang lugar bago lumusob.

Bago lumusob makipag-coordinate muna sa Philippin­e Air Force upang maayudahan sila dahil sa itaas pa lamang ng langit kita na kung saan nakapuwesto ang kalaban. Tapos ipabomba sa artillery ng Philippine Army bago lumusob ang tropa. Tulong-tulong dapat ang lahat ng sangay ng Armed Forces of the Philippines.

Aywan ko na lang kung hindi agad mapupulbos ang ASG.

Tiyak ‘yan ang komunidad na pinupugaran ng ASG ay maraming bata at kababaihan na tiyak naman na supporters ng ASG. Bahala na si Batman kung madamay sila. Talagang ganoon sa giyera, damay-damay na ang lahat.

— Arcelo A. Iglesias

Pasay City