Naglagay ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng libreng internet connection sa Pag-asa Island, ang biggest outpost ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea.
Binunyag ito ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa isang press conference.
Isang pribadong kompanya umano ang kinontrata ng DICT para maglagay ng Wifi connection sa naturang isla.
Malaking tulong naman para sa mga residente ang naturang hakbang, ayon kay Kalayaan Mayor Roberto del Mundo, dahil magiging mabilis na umano ang update ng kanilang mga report gaya ng monitoring sa mga Chinese at iba pang vessel. (IS)