ABANGAN ang mga kuwento ng pag-asa at milagro base sa tunay na buhay sa Jeepney TV dahil ipapalabas nito ang ilan sa mga paboritong episode ng Maalaala Mo Kaya, mga nakaraang Lenten specials ng It’s Showtime at ang pelikulang Ignacio de Loyola ngayong Semana Santa.
Ibinabalik ng Jeepney TV ang ALIPTAPTAP (2013), ang kuwento ng MMK tungkol sa isang batang lalaki na kailangang magsikap upang suportahan ang kanyang pamilya at maging mata, kamay at paa ng kanyang bulag na ina.
Pinagbidahan ito nina Zaijan Jaranilla, Paul Salas at Precious Lara Quigaman at palabas ngayong Miyerkules Santo (10:00 pm).
Isa pang MMK classic, ang POON (2006) ay tungkol sa buhay ng isang ina at ang kanyang ‘di natinag na pag-asa at pananampalataya sa pagkamatay ng kanyang anak.
Pinangunahan nina Dina Bonnevie, Joel Torre at Nash Aguas, eere ito bukas (Huwebes Santo, 10:00 pm).
Marami pang makulay na kwento ng tunay ng buhay ang ipapalabas mula naman sa special Lenten dramas ng It’s Showtime sa April 13-14 ng 1:00 pm.
Bida rito sina Karylle, Coleen Garcia at Vhong Navarro.
Tampok sa Linggo ng Pagkabuhay (5:00 pm) ang 2016 Filipino-produced film na Ignacio de Loyola.
Ito ay tungkol sa isang lalaki na kinailangang itigil ang kanyang pangarap na magsundalo at sinimulan ang kanyang paglalakbay upang maging santo.
Ang pelikulang ito ay base sa tunay na buhay ni Ignacio de Loyola na naging santo sa ilalim ng Simbahang Katoliko.
Ito ay pinagbidahan ng Spanish actor na si Andreas Muñoz mula sa directorial debut naman ni Paolo Dy.
Abangan ang mga natatanging kuwentong ito sa Jeepney TV na mapapanood sa Sky Cable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9.
***
Matagumpay na dinaos ng ABS-CBN ang ika-11 na edisyon ng Pinoy Media Congress kung saan naganap ang unang PMC Online Video Competition.
Nagmistulang eskwelahan ang ABS-CBN compound dahil sa daan-daang estudyanteng tumungo rito para sa workshops, tours at film screenings.
Kampeon ang Far Eastern University (FEU) sa kanilang video na BK8 List at sinundan ng Neutral ng St. Louis University at Los Mandamientos ng UP Diliman sa contest na nagbigay sa kanila ng pagkakataong maibahagi ang mga ideya nila para sa isang online show sa ABS-CBN.
Parte ng kanilang premyo ang tsansang mapabilang sa ABS-CBN multichannel network na Adober Studios.
Pagkatapos ng dalawang araw ng mga sesyon sa mga paksang akma sa tema ng conference ngayong taon na “Media and Information Literacy: Understanding Media in Today’s Changing Society,” nagkaroon ang mga delegado ng mga pagkakataon na sumali sa mga aktibidad na sa paniwala nila ay makakatulong sa kanilang karera.