Pag-ayaw ni Janine kay Bong: Lotlot, Lolit nagsagutan

Matapos talakan ng veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis si Janine Gutierrez, nag-react agad dito ang nanay ng young actress na si Lotlot de Leon.

Sa Instagram account din sumagot si Lotlot at ibinibigay ang kanyang buong-buong suporta sa anak. Wala siyang binabanggit na anumang issue, pero binigyan niya ng words of encouragement si Janine to continue doing what she wants to do.

Sinabi rin ng aktres na handa siyang protektahan ang anak sa mga intriga at siya na lang daw ang sabihan ng masasakit.

“When she came to me after college and said, ‘Mama gusto kong mag-try mag-artista’, I asked her, ‘Are you sure?’

“I asked her that question not because wala akong bilib sa kanya o sa kakayahan niya, but because I was afraid that this industry that I have grown up into can be very harsh sometimes.

“Andyan yung pag nagsalita ka kesehodang maganda intention mo nagiging mali pa din para sa iba. Pag nasa industriya ka kailangan maging handa ka sa lahat ng pagbabatikos at sari-saring opinyon.

“When you’re in this industry puwede ka kaagad mahusgahan ng hindi ka natatanong kung bakit may nasabi ka o nagawa ka. Everyone else can give their opinions and share how they feel pero dahil artista ka may hangganan ang pagbibigay mo nun. Medyo unfair. Hehehe!

“And because of all these reasons, half of me wanted to say no because as a mom ayoko siyang masaktan. I want to protect my daughter from all of that. Di baleng ako na lang ang sabihan ng masasakit, tawagin ng kung anu-ano huwag lang siya.

“On the other hand I can’t stop her from what she wants for herself, for living her dreams, for proving herself and giving her a chance to go after that.

“What I saw in Janine’s eyes and felt when we had that conversation that day is that she was willing to learn and ‘accept everything’ that comes with being an artist and be the best version she can be in this profession that she has chosen. That’s why I said yes.

“Buong puso kong maipagmamalaki that I have raised a daughter that is very respectful, level-headed, smart, humble and willing to take risks when needed.

“Bilang magulang andito lang ako nakatanaw and praying with all my heart that she will achieve everything that she has only prayed for.

“In the many years that I have also been in this industry at sa lahat ng nakita at napagdaanan ko, I have also learned to choose my battles, hindi lahat pinapatulan, sinasagot at pinapalaki. At the same time I have also learned that it’s okay to say what you feel, to give your opinion and to be heard.

“Hindi kabawasan ng pagkatao yun lalo na kung nasa tama naman. These are all the things that I have learned. Babe, I love you. Just Continue with all the hard work and keep on swimming,” ang mahabang pahayag ni Balot.

Matatandaang tinalakan ni Nay Lolit si Janine sa kanyang IG account dahil sa tweet ng young actress against Bong Revilla. Pinangaralan ng columnist/talent manager ang anak ni Lotlot na huwag maging judgmental and should learn how to give chance to others.

***

Sinagot din naman ni Nay Lolit ang IG post ni Lotlot at sinabing naiintindihan niya ang nararamdaman ng aktres dahil ‘yun mismo ang naramdaman niya nang i-bash ni Janine si Sen. Bong na parang anak na rin ang turing niya.

“I know iyon feeling ni Lotlot de Leon, Salve, sa IG post ko about Janine Gutierrez. Iyon exactly ang naging feeling ko nang mabasa ko ang bashing kay Bong Revilla after ng reaction ni Janine na OMG at di ko kaya besh.

“I don’t intend to belittle, dishonor Janine, dahil like what Sandy de Leon said, mabait, magalang, at lumaking dalaga na ipagmamalaki ng kahit sinong magulang. In fact, sinulat ko nun how I admire Lotlot sa pagpapalaki ng mga anak niya.

“Lagi kong sinasabi, iyon mga bashing sa akin at halos pagmumura na ng iba, OK lang, natatawa pa nga ako kung minsan dahil I find it funny reading comments na masama from people I don’t even know.

“I cannot be judgemental in the sense na ang dami ko rin palpak na ginawa, mga kasalanan, o mga bagay na dapat hindi ko ginawa. If I write or opinionate, dahil writer ako, dahil iyon feeling ko, pero I find it out of bound kung kasamahan kong writer ang sisiraan ko. Kaya iyon din ang paniwala ko sa artista, puwede sila magalit sa writer, magsalita, pero pag kapwa nila artista dapat maingat sila.

“Iyon bang kapwa ko artista ito, kapatid ko ito, dapat tulungan kami, dapat kampi kami. Kung mali ako dun, sorry. As I want people to respect my opinion, I will also respect theirs.

“At tulad ni Lotlot de Leon na nasaktan dahil sa anak niya na si Janine Gutierrez, para rin akong isang ina kay Bong Revilla na nasaktan din.

“But now, at least I know na never matatanggap ni Janine Gutierrez si Bong Revilla. I respect that, I admire her for being open with her feelings. Sorry Lotlot. Case closed,” ang mahabang sagot ni Nay Lolit.