‘Pag ‘di kumonekta sa labas patay na — Guiao

‘Di naghanap si coach Yeng Guiao ng puro shooter lang para bumuo sa Gilas Pilipinas.

Inamin ng coach na kailangan ng matinding­ outside shooting sa international games, pero mahalaga rin ang chemistry. Kailangan marunong bumasa ng sitwasyon sa loob ng court, at gumawa ng paraan para mag-contribute.

Ang limang buwang preparasyon ng Gilas, matatasahan na mamayang 7:30 pm sa Foshan, China sa Day 1 ng 18th FIBA World Cup 2019.

Unang asignatura ng Filipinos sa Group D ang Italy mamayang gabi.
“Ang importante sa ngayon is just the overall chemistry of the team,” ani Guiao.

Kailangan mag-amuyan at mag-click ang kumbinasyon nina Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Mark Barroca, Andray Blatche, Robert Bolick, June Mar Fajardo, Paul Lee, Gabe Norwood, CJ Perez, RR Pogoy, Kiefer Ravena at Troy Rosario.

“We also need some balance of inside and outside scoring,” dagdag ng coach.
Nang mawala sina Marcio Lassiter at Matthew Wright, naghanap ng ibang snipers ang coaching staff.

“In international competitions, kaila­ngan mo talaga kumonekta sa labas,” punto ni Guiao. “’Pag ‘di ka kumonekta sa labas, patay ka na.”
Lahat ng opsyon para makuha ‘yun, ginawa ng team.

“The reason I’m rea­lly happy about du’n sa Spain (training camp) is, nakita ko these guys can connect outside, under pressure,” aniya.

“Parang ‘yung nawala kina Jayson (Castro), nawala kina Marcio, parang nandiyan naman, eh, kina Paul, kina CJ, Robert Bolick. The rest of the guys really delivered be that outside shooting or be that attacking the basket.” (Vladi Eduarte)