Pag-IBIG Fund pumoporma sa dagdag kontribusyon

Ikinokonsidera ng state-run housing fund Pag-IBIG na itaas ang kontribusyon ng mga miyembro.

Ito’y dahil sa halos tatlong dekada nang hindi nagtataas ang Pag-IBIG sapul noong 1986 kung saan itinakda ang P100 buwanang kontribusyon ng miyembro at employer.

Maraming miyembro ang naglo-loan sa Pag-IBIG dahil sa mababang interes kumpara sa mga bangko.

Ayon kay Pag-IBIG President at CEO Acmad Moti, magdaraos sila ng informal consultation sa mga stakeholder upang pag-usapan kung itutuloy ang pagtaas ng kontribusyon.

Sakali mang maikasa ang pagtaas ng kontribusyon, maaari itong ipatupad pagsapit ng taong 2021.

Halagang P50 hanggang P100 ang posibleng idagdag sa kontribusyon.

Sinabi pa ni Moti na kung lumagpas sa 10 percent ang bilang ng umuutang na miyembro, hindi na sana nila pag-iisipan na magtaas ng kontribusyon.

Subalit sa nakalipas na ilang taon, umakyat sa 17.5 percent ang demand sa utang.

Nauna rito ay nana­wagan ang Employers Confederation of the Philippines sa Pag-IBIG Fund na huwag magtaas ng kontribusyon nga­yon 2019 dahil sa nagtaas na ng kontribusyon ang Social Security System (SSS) simula Abril 1 ng taong kasalukuyan.