Ang tubig ay buhay. Kung walang tubig ay paano nga ba tayo mabubuhay? Maaari tayong mamatay sa uhaw. Ipinapayo ng mga eksperto ang pag-inom ng walo hanggang sampung baso ng tubig araw-araw. Isa itong mabisang pantulong na gamot sa mga karamdaman. Nililinis din nito ang ating katawan. Sa kabila ng napakaraming benepisyong hatid sa atin ng tubig, maaari rin itong magkaroon ng disadvantages kung sosobra tayo sa pagkonsumo nito. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa maaaring idulot ng labis na pag-inom ng tubig.

1.Ang pagsakit ng ulo ay hindi lamang dulot ng kakulangan sa tubig kundi maaari ding maging sanhi nito ay ang sobrang pag-inom ng tubig. Kapag sumobra ang konsumo mo sa tubig, ang salt consumptions sa iyong dugo ay nababawasan.

2.Kapag nag-overload ang tubig sa ating katawan, magiging dahilan ito ng hyponatremia. Ang kondisyon na ito ay kinabibilangan ng fatigue, cramps, vomiting at nausea dulot ng mababang lebel ng sodium sa ating katawan.

3. Dahil din sa sobrang pagkonsumo natin sa tubig, ang electrolyte level ay babagsak at ang balanse nito ay makokompromiso. Ang mababang electrolyte ay maaaring maging dahilan ng muscle spasms at cramping.

4. Mahihirapan na magtrabaho ang ating kidneys na siyang sumasala at bumabalanse sa tubig na ating iniinom. Makakapag-create lang ito ng stressful reactions mula sa hormones kaya naman ang ating katawan ay makakaramdam ng pagod at stress.

5. Ang sobrang pagkonsumo sa tubig ay magiging dahilan ng madalas nating pag-ihi. Maaaring mag-fail ang katawan natin sa pag-­absorb ng fluid dahil dito.

Isang patunay ito na ang lahat talaga ng sobra ay hindi makakabuti. Kaya mas mainam kung babalansehin lamang natin ang pag-inom ng tubig upang makuha natin ang tamang benepisyo nito at maiwasan na rin ang mga hindi magagandang maaaring idulot nito. ­