Pinayuhan ng isang opisyal ng World Health Organization (WHO) ang mga taong may nararamdamang sintomas ng respiratory infection na makabubuting manatili muna sa kanilang mga tahanan para hindi makahawa.
Nirekomenda ni Rabindra Abeyasinghe, kinatawan ng WHO sa Pilipinas, ang ‘social distancing’ para huwag nang kumalat pa ang virus.
“Do not go to work, do not go to school, do not go to crowded places if you are having signs or respiratory infection,” sabi Abeyasinghe sa press briefing sa Malacañang nitong Lunes.
Aniya pa, ang mga taong nagkaroon ng contact sa mga indibidwal na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay dapat mag-self quarantine muna at ipabatid ang kanilang kalagayan sa mga awtoridad.
Pinayuhan din nito ang mga matatanda na mas madali aniyang tamaan ng virus, na iwasang magpunta sa matataong lugar.
“For this we need a community-wide response, family members need to support the elderly to protect them and minimize the risk of infection,” ani Abeyasinghe.
Samantala, pinuri naman ni Abeyasinghe ang Department of Health (DOH) dahil sa aniya’y “excellent job” nito sa pagharap sa public health emergency na dulot ng COVID-19 sa bansa. (Prince Golez)