Pag-resked sa Tokyo Olympics may dagdag na $2-3B gastos

Pag-resked sa Tokyo Olympics may dagdag na $2-3B gastos

Walang major change kapag itinuloy ang nakanselang 2020 Tokyo Olympics.

Posibleng summer din ng 2021 ituloy ang Games.

“The games are meant to be in summer, so we should be thinking of a time between June and September,” pahayag kahapon ni organizing committee president Yoshiro Mori, ayon sa Japanese news agency Kyodo.

Magbubukas sana ang postponed games ng July 24 at matatapos ng Aug. 9.

Anumang final decision sa bagong schedule ay ibababa ng local organizers at ng International Olympic Committee, katuwang ang sponsors, sports federations at broadcasters.

Maraming atleta ang napuwersang tumigil ng training dahil sa coronavirus. Kahit ang mga nagte-training pa ay walang ideya kung paano i-iskedyul ang training para makuha ang peak.

Inamin nina Mori at organizing committee CEO Toshiro Muto na napakalaki ng dagdag na gastos sa rescheduling. Sa unang pagtataya ay aabot anila ito sa $2-$3B , bahagi nito ay sasaluhin ng Japanese governments. (VE)