Pag-ulan ng yelo dadalas – PAGASA

MAS madalas na thunderstorm na may kasamang pag-ulan ng yelo ang mararanasan ng bansa sa mga susunod na araw kasunod na rin ng climate transition period mula sa mainit o warm season patungong wet season, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay PAGASA weather specialist Samuel Duran, ang severe thunderstorms ay normal lamang sa panahon ngayon lalo na sa nararanasang sobrang init. Aniya, dahil sa sobrang init ay mas mabilis ang nagiging evaporation at condensation process gaya umano ng naiulat na hailstorm sa Benguet noong nakaraang linggo. Nangyari ito dahil nakataas sa lugar ang severe thunderstorm activity.

“hailstones are formed when raindrops freeze in the cold layer of thunderstorm clouds that rapidly reach the ground as ice crystals. Severe thunderstorms, which are often associated with bursts of heavy rainfall, lightning, thunder, gusty winds, and sometimes hail, will become more frequent as the country is about to transition to the wet season,” paliwanag ni Duran.

Mas madalas umano na makakaranas ng hailstorm sa hapon hanggang bago gumabi kung saan mataas ang alinsangan. (Tina Mendoza)