Pag-unfollow ni Julia respetado ni Khalil

Kaswal lang ang reaksyon ni Khalil Ramos nang matanong tungkol sa pag-unfollow ni Julia Barretto sa kanila ng girlfriend niyang si Gabbi Garcia.

Kaibigan ni Gabbi si Julia, pero kasama ito at pati na si Khalil sa mga in-unfollow ni Julia sa IG (bukod kina Joshua Garcia, Janella Salvador, atbp.).

Actually, clueless daw si Khalil about it pero nirerespeto niya raw ang ginawa ni Julia.

Ani Khalil, inimbita ni Gabbi si Julia for dinner pero hindi pa natutuloy at hindi pa nila ito nakikita.

Suportado pa rin daw nila si Julia bilang kaibigan at nandu’n pa rin sila kung kailangan sila nito.

Gusto rin daw malaman ni Khalil kung bakit sila in-unfollow ni Julia, pero kung ayaw daw nitong pag-usapan ay nirerespeto niya ito.

Bida si Khalil with Elisse Joson sa pilot episode na “Adik” ng hugot anthology series na “Ampalaya Chronicles” ng iWant.

Nakaranas na raw ng mapait na pag-ibig si Khalil nu’ng magka-LDR siya nu’ng high school, pero ngayon ay wala nang dahilan para magpaka-bitter dahil tamis-tamisan ang relasyon nila ni Gabbi na magti-3 years na this January.

Young naka-wedding gown na minaneho ang mister

Mrs. Daez na si Megan Young dahil kahapon ay ikinasal na sila ni Mikael Daez after 9 years of being magsyota.

Tinotoo ni Mikael ‘yung sinasabi niya noon na baka isang araw ay malalaman na lang ng lahat na kasal na sila ni Megan dahil ganu’n nga ang nangyari.

Sa San Roque Chapel sa Subic naganap ang wedding, na ang reception ay sa El Kabayo Stables na ang ganda ng outdoor setup at may kabayo pa.

Si Patricia Santos ang gumawa ng bridal gown ni Megan at ang reception gown niya ay gawa ni Boom Sason.

Si Mikael ay gawa ng Suit Up Manila ang suot.

‘Flower ghorls’ ang sister ni Megan na si Lauren at ang gay younger brother nilang si Victor Young.

Naglakad sa aisle ang beautiful bride habang ang wedding singer ay kumakanta ng “Tadhana” ni Moira dela Torre.

Kilig na kilig si Megan at tumatalon-talon pa after nilang mag-kiss ni Mikael bilang husband and wife.

#BonezFofoWedding ang hashtag dahil Bonez ang tawag ni Mikael kay Megan at Fofo naman ang tawag nito sa kanya.

Nag-pre-wedding shoot pala ang dalawa sa Annecy, France at nilabas ‘yon kahapon ng Metrophoto.

May kulay blue na topaz ang diamond engagement ring na binigay ni Mikael kay Megan, kakulay ng korona nito nang manalong Miss World nu’ng 2013.

Mahilig mag-travel ang dalawa at ang dami na nilang napuntahang bansa together. At least, dito nila napiling magpakasal together with their family and friends.

29-anyos na si Megan at 32 naman si Mikael, so sakto lang magpakasal na sila.

‘Kaaliw si Megan dahil siya ang nag-drive ng kotse nila ni Mikael after their wedding ceremony.

As in naka-wedding gown ito, tapos ay nasa driver seat habang nasa passenger seat ang kanyang mister.

Tinanong si Megan ng videographer kung bakit siya nagda-drive. Ang sagot niya, “I like driving and I wanna drive for Mikael.”

Ang sabat ng hubby niyang si Mikael, “Pa-cool siya!”

Reaksyon ni wifey, “Grabe naman, I wanted to drive for you right after.”