Pag-veto ni PNoy sa pay hike ng nurses tinawag na “midnight cruelty”

Astang “pusong bato” hanggang sa dulo ang “projection” ni outgoing President Noynoy Aquino matapos i-veto ang Comprehensive Nursing Law dalawang­ linggo bago ito umalis sa Palasyo ng Mala­kanyang.

Para sa Gabriela Women’s Party, “midnight cruelty” ang ineksenang ito ng Aquino administration.

Ayon kay Gabriela incoming Representative Arlene Brosas, higit pa sa pay hikes ang habol sa isinusulong na pagsasabatas ng House Bill No. 6411 at Senate Bill No. 2720 na pinamagatang “An Act Providing for a Comprehensive Nur­sing Law Towards Quality Health Care System and Appropriating Funds There for”.

Puntirya, aniya, nito na paghusayin ang nur­sing practice at mapagkalooban ng mas patas at mapainam ang kalagayan­ ng mga nurse na ligtas sa “exploitative volun­teer work schemes” kung saan ang mga nur­sing graduates ay sapilitang pinagse­serbisyo sa full time clinical work na kadalasan ay wala­ namang napapalang kumpensasyon.

Binigyang-diin ni Brosas na isasangguni ng Gabriela ang usapin sa Women’s Summit na ilulunsad sa Davao City sa susunod na linggo damay na rin ang isyu sa pagpapasara ng Dr. Jose Fabella maternity hospital.

“The Women’s Summit will submit proposals for President-elect Rodrigo Duterte to guarantee the protection of maternal health and health workers’ welfare by reversing the privatization policies of the Aquino regime on the health sector,” dagdag ni Brosas. (Aries Cano)