tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
May personal message na tinanggap ang inyong diva that you love mula sa isang malditang showbiz observer. Ito ang major, major obsersyon, “Parang wala na yatang katapusan ang pagwe-welcome kay Regine Velasquez-Alcasid. May welcome sa ASAP. May pagbubunyi sa It’s Showtime. May kung ilang araw na episodes sa Magandang Buhay.
Halos isang buwan na yata ang welcome na ‘yan. Baka naman a few days from now, nasa MMK na rin ang buhay niya, huh.
May pang-unawa naman ako para kay show observer. Para nga namang ang tunay na Mrs. Alcasid is being rammed sa lahat ng mga Kapamilya at puwede mo ring isipin na all these welcomes eh justification na talagang pre­mium asset ang Ate Chona.
Sana, ‘pag tapos na talaga ang lahat ng mga pagbibigay pugay at parangal, malaman na natin kung tuloy ba ‘yung musical show na pagsasamahan nila ni hubby dearest niyang si Ogie Alcasid na may Ian Vene­racion pa sa equation.
May lumutang rin na maaring si Robin Padilla raw ang una niyang makakatrabaho bilang bagong Kapamilya.
‘Yung pangarap niyang makatrabaho si Jericho Rosales, may posibilidad ba talaga lalo na nga’t nasa Halik pa ito?
Sa reformat na mangyayari sa ASAP na tiyak namang tamang platform para sa Asia’s Songbird, gaano ba kalaki ang kanyang magiging partisipasyon?
Puwede ba tayong umasa na may mga special musical shows siya na alam naman nating kayang-kayang gawin sa bago niyang tahanan, ‘yung parang A Little Night of Music with Regine Velasquez or Regine by Special Arrangement kung saan ang awit ng mga Filipino legendary composer ang kanyang kakantahin?
Sa tamang panahon, malalaman natin ang mga mangyayari. Wala namang duda na Regine will realize all her dream projects bilang Kapamil­ya.