Bunsod ng walang tigil na malakas na pag-ulan dala ng bagyong Gorio at Huaning ay nalubog sa tubig baha ang Pagadian City, Zamboanga del Sur at iba pang lugar sa Abra at Cotabato simula pa nitong weekend.
Base sa report, halos umabot sa gabewang ang tubig baha na naging dahilan ng pagkasira ng ilang pananim at bahay sa Pagadian City.
Dahil sa pag-ulan bunsod ng Bagyong Huaning, umapaw naman ang Abra River at pinagbawalan ang mga mangingisdang pumalaot.
Napag-alamang umabot na sa katumbas na tatlong buwang pag-ulan ang baha sa Poblacion Tres sa Cotabato City kaya umabot sa 100 pamilya ang lumikas at naninirahan sa mga evacuation centers.