Mas malalamig na madaling-araw habang makulimlim at maulap ang mararanasan sa buong araw ngayong buwan ng Pebrero dahil sa patuloy na pag-ihip ng hanging amihan na apek­tado ang buong bansa.

Ayon sa tala ng Phi­lippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), walang bagyong mabubuo sa loob ng Philippine Area of Res­ponsibility (PAR) su­balit makararanas naman ang buong bansa ng maulap at bahagyang pag-ulan na dulot ng malamig na panahon.

Nakararanas nga­yon ang Metro Manila ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na mga pag-ulan habang sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at mga lalawigan ng Aurora at Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dahil sa amihan.

Nakataas pa rin ang gale warning sa mga baybayin ng Batanes, Cayalan, Babuyan, Cagayan at Ilocos Norte.